Paano pabilisin ang pag download ng mga files mula sa Internet?

maraming tao ang mahilig mag download ng kung anu ani mula sa internet. music, video, pictures, installers at iba pa. pero madalas, mabagal ang mga download natin dahil sa samu’t saring  dahilan. una na rito ang bagal ng iyong internet connection. minsan, nakaka asar na dahil napapa extend ka ng di oras sa computer shop dahil sa hindi pa natatapos ng download mo. at pag minalas ka pa, uulitin mo ulit ang pag download dahil saglit lang nawala ang connection ng internet. Bad trip!

pero may solusyon tayo dyan, gamit ang “Internet Download Manager”

Mga kaya gawin ng program:

  • hanggang 16 connections ang kayang mag download ng file mo, para sa siguradong mas mabilis ang download mo.
  • kayang mag tuloy ng mga nahintong download.
  • nakakadownload ng audio at video sa mga piling “Streaming Websites” (tulad ng Youtube  at Skreemr .)
  • pwedeng gamitin sa kahit anung web browser. (Internet Explorer, Firefox, Google Chrome at Opera ang ilan.)
  • Pwede rin mag “Batch Downloading.”
Simulan na natin!
  1. download mo ang Internet Download Manager “dito.”
  2. install mo ang program, next next lang  sa pag install hanggang matapos.
  3. pagkatapos ma install, i close ang lahat ng naka open na web browser para ma install sa default web browser mo ang IDM.
  4. pumunta sa site kung saan ka mag da download ng file.
  • Automatic Downloading – malalaman na automatic ang download mo  pag lumalabas ang IDM window sa webpage kung saan mo balak mag download ng mga files.
  • Manual Downloading – hanapin ang “link” ng file. (madalas ito yung mga salita na may underline.) halimbawa, yung download link sa step 1 ng blog entry na ito. i right click ang link at piliin ang option na, “Download with IDM.”

 

Paano mag download ng Video?

  1. pumunta sa website kung nasaan  ang video na gusto mo i download.
  2. i search  ang video.
  3. pagka play ng video, may lalabas na maliit na window sa ibabaw ng video player na, “Download Video with IDM.”
Paalala:
  • kung wala yung maliit na window na yun, subukan mong  mag right click sa bakanteng space ng webpage at i right click mo, piliin ang  “Download FLV Content with IDM.”
  • may mga video websites na hindi kaya na download ng IDM, marahil ay protected ang video na gusto mo i download.
  • puro FLV video (Flash Video) ang mga video na mada download, kailangan mo ng media player na kayang bumasa ng FLV files kung balak mong panoorin sa kompyuter ang video na makukuha mo. (halimbawa, Winamp, VLC Media player.)
  • at kung  ilalagay mo sa gadget mo ang video, tulad ng cellphone, mp4 at PSP, kailangan may video converter na naka install sa kompyuter mo. (maganda ang Xilisoft video converter.)

Paano mag download ng Audio?

  1. maghanap ng website na may streaming mp3 player. (tulad ng “Skreemr” )
  2. hanapin ang kanta na gusto mo i download.
  3. pagka play ng mp3, lalabas yung maliit na window ng IDM na, “Download  Audio with IDM”. i click lang yung para magsimula ang download

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: